Miyerkules, Marso 11, 2015

OFW

"OFW"

Tunay na mga bagong bayani ng bayan ang mga OFW. Dahil sa mga OFW, umuunlad at lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas. Mga OFW na nagsasakripisyo na lisanin ang Pilipinas at doon magtrabaho sa ibang bansa upang makatulong sa pag ambag sa pag unlad ng bansa. Sinasabi nga na sa ngayon ay ang mga Overseas Filipino workers ang tunay na nag aambag ng pera para sa bansa. At dahil sa kanila mas gumaganda ang bansa kaya't sila talaga ang mga bagong bayani ng bayan.

Dapat talagang bigyang halaga ang mga dalaping ipinapadala ng mga OFW sa bansa dahil isa ito sa mga perang lubos na nag aambag at tumutulong para sa mas ikauunlad ng ekonomiya. Ang bilyon bilyong dolyar na naireremit ng mga Pilipino ay nakakatulong na mapanatili ang maayos na ekonomiya ng Pilipinas kaya't dapat talagang bigyang halaga ang mga salaping ipinapadala ng OFW sa bansa. 

Mga hakbangin

"Hakbangin"

•Humanap ng mga alternatibong kapalit ng isang produkto kung sakaling maout of stock ang produkto.
•Hindi paghahangad ng mga bagay na kagustuhan lamang o higit na pangangailangan lamang.
•Matutong maging matipid sa mga bagay

•Paggamit ng mga bagay na sapat lamanh sa pangangailangan. 

Panayam

"Pakikipanayam"


Sa aking pakikipanayam kay ate loleng ang kapital ang higit na nakakaapekto sa paglaki at pagliit ng kanilang suplay . Dahil kapag ang kapital ay malaki ay mas marami ang kanilang suplay at kapag naman hindi ganoon kalaki o maliit kakaunti lang din ang suplay sa kanyang tindahan. Ito ay nakabase sa kanilang pinansyal na kapital kung gaano kadami ang mabibiling suplay. 

Rizal Day

"Rizal day"

Ang rizal day ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 30 upang gunitain ang kamatayan ni Rizal. Si Rizal ay ang pambansang bayani ng Pilipinas. Napakalaki ng kanyang naging ambag upang makamit at magising sa katotohanan ang mga pilipino noon. Nagsulat siya ng mga tula upang makalaban ang mga espanyol. Kung si Bonifacio ay nakipagdigmaan siya naman ay gumamit ng panulat upang kalabanin ang espanyol.

Ang naganap na rizal day nitong 2014 ay pinangunahan nf ating pangulo na si Noynoy Aquino sa rizal Park. Naidaos ito ng maayos at may mga kasamang matataas na politiko upang sumama sa pagdiriwang nito. Dapat natin tandaan na napaka laki ng amabag ni jose rizal sa ating banasa at sana'y gayahin natin ang pagmamahal niya sa bansang Pilipinas. 

Bonifacio Day

"Bonifacio Day"


Ang Bonifacio day ay ipinagdiriwang upang gunitain ang kabayanihan ni andres Bonifacio na siyang ama ng katipunan. Ito ay ginaganap tuwing Nobyembre 30. Hindi tulad ng ibang bayani ipinagdiriwang ito sa araw ng kanyang kaarawan sa halip na sa kanyang kamatayan. Ito ay ipinagdiriwang natin upang bugyang pugay ang lahat ng sakripisyo na ginawa ni Andres bonifacio upang makuha ang kalayaan ng ating bansa. Isa siya sa pinakamahalagang bayani ng bansa dahil napakalaki ng naitulong niya sa pagkamit ng kalayaan. Sinasabi din na siya ang pinakaunang pangilo ng ating bansa ngunit sabi sabi lang iyo. Ang pagdiriwang nito ay pinangungunahan ng ating pangulo at sinisimulan sa pagtaas ng ating watawat at pag allala sa mga nagawa ni andres bonifacio para sa bansa. 

All Saints Day

"All Saints Day"

Ang all saints day ay isang liturgical celebration na nagsisimula sa gabi ng Oktubre 31 at nagtatapos sa Nobyembre 1. Ang mga tao ay nagaalay ng bulaklak at pagkain at panalangin sa atung mga yumaong mahal sa buhay. Dito ay nagtitipon tipon ang mga magkakamag anak at mga kaibigan at sama samang nananalangin at kumakain ng kanilang mga dalang pagkain at pinagsasaluhan ang masasayang mga ala ala. Ang karaniwang tawag natin sa ganitong okasyon ay Undas, Todo los Santos, o kaya nama'y Araw ng mga Patay. Para sa mga katoliko ito ay isang holy day of obligation kaya't sila ay nagsusimba at nakikiisa sa mga seremonya para sa mga patay.

Nitong 2014 nagdiwang tayo ng All saints day at naging handa naman ang gobyerno sa okasyong ito. Naging ligtas at wala namang masyadong naging aberya dahil ang mga piling ahensya ay tumulong upang maging maayos ang pagdaraos nito. 

Suliranin sa Ekonomiya

"Suliranin sa Ekonomiya"

Suliranin ng pamilya- kakulangan ng auplay ng pagkain dahil sa kawalan ng pera.
Desisyon ng magulang- napagdesiaayunan ng aking magulang na isagawa namin ang maayos na pagbabadyet dahil nagiging madalas ay pagkaubos ng suplay ng pagkain kaya't siniaimulan na ang maayos na pagbabadyet.
Sang ayon ka ba? Bakit? - oo, dahil alam lo na lubos itong makaktulong upang maiwasan at mapigilan ang umuusbong na suliranin na ito