Miyerkules, Marso 11, 2015

Career orientation

"Career Orientation"

Ang paaralang Tagaytay City Science National High School ay nagsagawa ng tatlong araw na career Guidance Orienration. Ito ay isang orientation na tumutukoy sa pagtulong sa mga 4th year students para mas malinawan at makapagpasya sa napiling kurso sa pagpasok sa kolehiyo. Sa unang araw ng orientation nagkaroon ng mga piling speaker upang makatulong sa pagharap sa arili ng bawat estudyante. Sa pangalawang araw ay gayun din ngunit may ilang mga tagapagsalita sa ibang paaralan upang hikayatin ang mga estudyante sa kanilang mga paaralan. At sa pangatlong araw ay kumuha ng personality test ng mga estudyante upang mahanap ang kanilang sarili pati na rin ang kanilang interea at ang mga possible courses na konektado sa kanilang peraonalidad. Dito rin sa araw na ito ay napakaraming paaralan ang nagsalita o nagpromote ng kanilang eskwelahan. Halos lahat sila ay nagbigay ng booklet mga iba't ibang papel na tumutukoy sa kanilang inoofer na kurso. Ang mga ito ay paraan upang mapromote ang kanilang eskwelahan.

Ang career guidance orientation na ito ay nakatulong para mas malinawan ang mga estudyante sa kukunin nilang kurso. Ngunit may ilan din na nagsabi na mas naguluhan sila ngunit nakatulong talaga ito ng lubos sa bawat isa. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento