Miyerkules, Marso 11, 2015

Tula

"Kayamanan, Huwag Aksayahin at Pangalagaan"

Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Bahagi na ito Ng ating kabataan at kabuhayan
Ito ang pundasyon ng ating kinabukasan
Kaya't pagsisikapan kong ito'y pagkainggatan

Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman
Pagka't sari saring buhay ay dito matatagpuan
Sinag ng araw dito'y walang kasing kinang
Ang himig ng hangin may dalang katahimikan

Ang lambak ang ating hardin
Punong puno iyo ng iba't ibang pananim
Madaming bulaklak kahit saan tumingin
Masustansyang pagkain ang hain

Ang hanging sariwa, syang naglilinis ng pang unawa
Libreng langhapin, di nakakasawa
May dalang himig sa musikero't makata,
Na ang alay ay himig at tula

Ang pagbabago ay hindi makakamtan
Kung ang kalikasan ay mapapabayaan
Ito ang lakas ng isip at ng katawan

Kapag ito'y nasira, tiyak tayo rin ang mawawalan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento