Miyerkules, Marso 11, 2015

INC

"Iglesia ni Cristo"


Ang iglesia ni cristo ay isang relihiyong kristiyano na nagmula sa pilipinas noong 1914. Si Felix Manalo ang naging founder nito at nanguna. At naging unang tagapamahalang pangkalahatan nito. Noong siya ay pumanawnoong 1963, ang Iglesia ni cristo ay isa nang pambansang aimbahan na mayroong 1250 kongregasyon, at 35 malalaking konkretong katedral. Ang sumusunod na tagapanguna ng simbahan at naguna sa kilusang pagpapalaganap sa buong mundo ay ang anak nitong si Erano Manalo hanggang sa pumanaw ito noong 31 ng Agosto 2009. Ang humalili naman sa kanya ay ang anak niyang si Eduardo Manalo. At noong 2000, ang senso ng pilipinas mula sa National Statistics Office ay nakapagtala ng 2.3 bahagdan ng populasyon na nagpapakilalang kaanib sa iglesia ni cristo. Pangatlo ito sa sinasabing may pinakamalaking samahang panrelihiyon. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento