Miyerkules, Marso 11, 2015

Eid'l Fitr

"Eid'l Fitr"

Ang eid'l fitr ay isang kapistahang Muslim na palatandaan ng katapusan ng Ramadan. Ang Ramadan ay isang banal na buwan ng pag aayuno ng mga muslim. Ang Eid'l Fitr ay kadalasang pinapaiksing Eid na may ibig sabihing "masayang kapistahan" habang nangangahulugang "putulin o wakasan ang ayuno" kaya't sumasagisag ang pagdiriwang na Eid'l Fitr bilang pagtatapos ng panahon ng pag aayuno.
Pinagdiriwang ito pagkatapos o pagkalipas ng katapusan ng buwan ng Ramadan. Sa unang araw ng shawwal. Mga tatlong araw tumatagal ang selebrasyon nito. Inatasan ng kuran ang mga Muslim na buuin o kumpletuhin ang kanilang pag aayuno sa huling araw ng Ramadan at bigkasin ang Takbir pagkaraan sa buong panahon ng Eid. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento