Miyerkules, Marso 11, 2015

National Heroes Day

"National Heroes Day 2014"

Ang National Heroes Day ay ipinagdiriwang tuwing ikaapat na Lunes ng Agosto. Ang araw ng mga bayani ay ang taunang paggunita at pagkilala sa mga naiambag ng mga kalalakihan at kababaihan na inalay ang kanilang buhay at gawa para sa kalayaan at kaunlaran ng Pilipinas.
Napakahalaga ng National Heroes day dahil sa pamamagitan nito nabibigyang parangal ang mga bayaning tumulong upang makamit ang kalayaan ng bansa. Sila ang dahilan kung bakit tayo naging malayang bansa.

Napakaraming ginagawa upang ipagdiwang ang National Heroes day. Isa na diyo ay ang pagsasagawa ng mga aktibidad sa eskwelahan katulad ng pagtatalakay ng husto sa klase tungkol sa mga bayani. Pagsasagawa ng debate, essay wriying, drawing, story telling at oration. Sa pamamagitan nito mas nabibigyan buhay at parangal ang mga nagawa ng iba't ibang bayani para sa ating bansa. Ang iba't ibang ahensiya ng gobyerno at non-government organization ay nagkakaisa upang dumalo sa isang selebrasyon ng iba't ibang aktibidad. At sa mga seremonya na gagawin isa na dito ay ang pag aalay ng bulaklak sa libingan ng mga bayani para bigyan ito ng parangal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento