Miyerkules, Marso 11, 2015

OFW

"OFW"

Tunay na mga bagong bayani ng bayan ang mga OFW. Dahil sa mga OFW, umuunlad at lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas. Mga OFW na nagsasakripisyo na lisanin ang Pilipinas at doon magtrabaho sa ibang bansa upang makatulong sa pag ambag sa pag unlad ng bansa. Sinasabi nga na sa ngayon ay ang mga Overseas Filipino workers ang tunay na nag aambag ng pera para sa bansa. At dahil sa kanila mas gumaganda ang bansa kaya't sila talaga ang mga bagong bayani ng bayan.

Dapat talagang bigyang halaga ang mga dalaping ipinapadala ng mga OFW sa bansa dahil isa ito sa mga perang lubos na nag aambag at tumutulong para sa mas ikauunlad ng ekonomiya. Ang bilyon bilyong dolyar na naireremit ng mga Pilipino ay nakakatulong na mapanatili ang maayos na ekonomiya ng Pilipinas kaya't dapat talagang bigyang halaga ang mga salaping ipinapadala ng OFW sa bansa. 

Mga hakbangin

"Hakbangin"

•Humanap ng mga alternatibong kapalit ng isang produkto kung sakaling maout of stock ang produkto.
•Hindi paghahangad ng mga bagay na kagustuhan lamang o higit na pangangailangan lamang.
•Matutong maging matipid sa mga bagay

•Paggamit ng mga bagay na sapat lamanh sa pangangailangan. 

Panayam

"Pakikipanayam"


Sa aking pakikipanayam kay ate loleng ang kapital ang higit na nakakaapekto sa paglaki at pagliit ng kanilang suplay . Dahil kapag ang kapital ay malaki ay mas marami ang kanilang suplay at kapag naman hindi ganoon kalaki o maliit kakaunti lang din ang suplay sa kanyang tindahan. Ito ay nakabase sa kanilang pinansyal na kapital kung gaano kadami ang mabibiling suplay. 

Rizal Day

"Rizal day"

Ang rizal day ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 30 upang gunitain ang kamatayan ni Rizal. Si Rizal ay ang pambansang bayani ng Pilipinas. Napakalaki ng kanyang naging ambag upang makamit at magising sa katotohanan ang mga pilipino noon. Nagsulat siya ng mga tula upang makalaban ang mga espanyol. Kung si Bonifacio ay nakipagdigmaan siya naman ay gumamit ng panulat upang kalabanin ang espanyol.

Ang naganap na rizal day nitong 2014 ay pinangunahan nf ating pangulo na si Noynoy Aquino sa rizal Park. Naidaos ito ng maayos at may mga kasamang matataas na politiko upang sumama sa pagdiriwang nito. Dapat natin tandaan na napaka laki ng amabag ni jose rizal sa ating banasa at sana'y gayahin natin ang pagmamahal niya sa bansang Pilipinas. 

Bonifacio Day

"Bonifacio Day"


Ang Bonifacio day ay ipinagdiriwang upang gunitain ang kabayanihan ni andres Bonifacio na siyang ama ng katipunan. Ito ay ginaganap tuwing Nobyembre 30. Hindi tulad ng ibang bayani ipinagdiriwang ito sa araw ng kanyang kaarawan sa halip na sa kanyang kamatayan. Ito ay ipinagdiriwang natin upang bugyang pugay ang lahat ng sakripisyo na ginawa ni Andres bonifacio upang makuha ang kalayaan ng ating bansa. Isa siya sa pinakamahalagang bayani ng bansa dahil napakalaki ng naitulong niya sa pagkamit ng kalayaan. Sinasabi din na siya ang pinakaunang pangilo ng ating bansa ngunit sabi sabi lang iyo. Ang pagdiriwang nito ay pinangungunahan ng ating pangulo at sinisimulan sa pagtaas ng ating watawat at pag allala sa mga nagawa ni andres bonifacio para sa bansa. 

All Saints Day

"All Saints Day"

Ang all saints day ay isang liturgical celebration na nagsisimula sa gabi ng Oktubre 31 at nagtatapos sa Nobyembre 1. Ang mga tao ay nagaalay ng bulaklak at pagkain at panalangin sa atung mga yumaong mahal sa buhay. Dito ay nagtitipon tipon ang mga magkakamag anak at mga kaibigan at sama samang nananalangin at kumakain ng kanilang mga dalang pagkain at pinagsasaluhan ang masasayang mga ala ala. Ang karaniwang tawag natin sa ganitong okasyon ay Undas, Todo los Santos, o kaya nama'y Araw ng mga Patay. Para sa mga katoliko ito ay isang holy day of obligation kaya't sila ay nagsusimba at nakikiisa sa mga seremonya para sa mga patay.

Nitong 2014 nagdiwang tayo ng All saints day at naging handa naman ang gobyerno sa okasyong ito. Naging ligtas at wala namang masyadong naging aberya dahil ang mga piling ahensya ay tumulong upang maging maayos ang pagdaraos nito. 

Suliranin sa Ekonomiya

"Suliranin sa Ekonomiya"

Suliranin ng pamilya- kakulangan ng auplay ng pagkain dahil sa kawalan ng pera.
Desisyon ng magulang- napagdesiaayunan ng aking magulang na isagawa namin ang maayos na pagbabadyet dahil nagiging madalas ay pagkaubos ng suplay ng pagkain kaya't siniaimulan na ang maayos na pagbabadyet.
Sang ayon ka ba? Bakit? - oo, dahil alam lo na lubos itong makaktulong upang maiwasan at mapigilan ang umuusbong na suliranin na ito

Kagustuhan o Pangangailangan

"Kagustuhan o pangangailangan?"


Sa araw araw na pagharap natin sa ating buhay ang pinakauna sa lahat ng ating pangangailangan ay ang pera. At sa perang ito ay marami tayong pinaglalaanan na mga bagay lalong lalo na ang ating mga magulang na reaponsable dito. Ang ilan sa mga bagay na pinaglalaanan ng magulang ng malaking halaga ay ang pang araw araw na pagkain na kinakain natin. Dahil ito ay kailangan natin para mabuhay. Ang iba pang pinagkakagastusan at pinaglalaanan ng malaking halaga ay ang pagbabayad ng kuryente, water bills, at tax. Ang iba ay ukol na sa gastusin sa paaralan ng mga anak. Ang mga bagay na pinaglalaanan ng mga magulang ng malaking halaga ay ang mga pangangailangan ng pamilya. Hindi ito basta basta kaguatuhan lang ng bawat isa ngunit ito ang mga pangunahing pangangailanagn ng mga pamilya. 

Teorya

"Pansariling pangangailangan"


Ayon sa teorya ni Maslow ang pangangailangan ng tao au madaling maabot at pag nakuha mo na ito mas nahihigitan pa nito ang pangangailangan mo. Katulad ito ng ating pansariling pangangailangan natin, halimbawa ay gusto mo ng bagong cellphone at meron ka na namang magandang cellphoneat mas mabilis mo lang itong nakuha mas nahigitan pa nito ang talagang pangangailangan mo. Sa teorya ni McCelland naman, ang pangangailan ng tao ay pinaghihirapan at hinuhubog ng panahon. Halimbawa muli, ikaw ay nangangailangan ng bagong sapatos dahil malapit nang masira ang kasalukuyan mong ginagamit na sapatos magiipon ka ng pera upang makabili ka ng bagong sapatos. Ito ay isang pangangailangan na pinaghihirapan at hinuhubog ng panahon dahil matagl tagal pa bago mo mabili ang sapatos na bago ngunit pinaghirapan mong maipon ang pera na pambili nito. 

Eid'l Adha

"Eid'l adha"

Ang eid'l Adha at eid'l fitr ang dalawang pangunahing pista o eid sa islam. Ang una ay ang pagdiriwang sa pagtatapos ng buwan ng Ramadan, habang isang paggunita naman sa katapatan,pananampalataya at pagsunod ni Ibrahim sa utos ng Diyos na iaalay ang kanyang anak na si ismail. Bahagi ang dalawang pistang ito sa limang haligi ng islam partikular ang Sawm o fasting at Hajj o pilgrimage. Hudyat din ng Eid'l Adha ang pagsisimula ng hajj o paglalakbay sa banal na siyudad ng Mecca sa Saudi Arabia. Nangyayari ang Eid'l adha bandang 70 mga araw pagkalipas ng katapusan ng buwan ng Ramadan.

Isinasagawa ang pagdarasal para sa Eid sa mga malalaking pagtitipon, kadalasa'y sa isang malawak na lugar o sa isang mosque para sa may mga kaya nagkakatay sila ng mga pinakamagagandang kambing p baka bilang pag aalay, sang ayon sa kanilang patakaran. Ipinamamahagi naman ang karne para sa lahat ng kasalo sa pagdiriwang. Dito sa ating bansang pilipinas masasaksihan lamang ang mga ganitong selebrasyon sa iilang partikular na Muslim na komunidad. 

Career orientation

"Career Orientation"

Ang paaralang Tagaytay City Science National High School ay nagsagawa ng tatlong araw na career Guidance Orienration. Ito ay isang orientation na tumutukoy sa pagtulong sa mga 4th year students para mas malinawan at makapagpasya sa napiling kurso sa pagpasok sa kolehiyo. Sa unang araw ng orientation nagkaroon ng mga piling speaker upang makatulong sa pagharap sa arili ng bawat estudyante. Sa pangalawang araw ay gayun din ngunit may ilang mga tagapagsalita sa ibang paaralan upang hikayatin ang mga estudyante sa kanilang mga paaralan. At sa pangatlong araw ay kumuha ng personality test ng mga estudyante upang mahanap ang kanilang sarili pati na rin ang kanilang interea at ang mga possible courses na konektado sa kanilang peraonalidad. Dito rin sa araw na ito ay napakaraming paaralan ang nagsalita o nagpromote ng kanilang eskwelahan. Halos lahat sila ay nagbigay ng booklet mga iba't ibang papel na tumutukoy sa kanilang inoofer na kurso. Ang mga ito ay paraan upang mapromote ang kanilang eskwelahan.

Ang career guidance orientation na ito ay nakatulong para mas malinawan ang mga estudyante sa kukunin nilang kurso. Ngunit may ilan din na nagsabi na mas naguluhan sila ngunit nakatulong talaga ito ng lubos sa bawat isa. 

Tula

"Kayamanan, Huwag Aksayahin at Pangalagaan"

Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Bahagi na ito Ng ating kabataan at kabuhayan
Ito ang pundasyon ng ating kinabukasan
Kaya't pagsisikapan kong ito'y pagkainggatan

Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman
Pagka't sari saring buhay ay dito matatagpuan
Sinag ng araw dito'y walang kasing kinang
Ang himig ng hangin may dalang katahimikan

Ang lambak ang ating hardin
Punong puno iyo ng iba't ibang pananim
Madaming bulaklak kahit saan tumingin
Masustansyang pagkain ang hain

Ang hanging sariwa, syang naglilinis ng pang unawa
Libreng langhapin, di nakakasawa
May dalang himig sa musikero't makata,
Na ang alay ay himig at tula

Ang pagbabago ay hindi makakamtan
Kung ang kalikasan ay mapapabayaan
Ito ang lakas ng isip at ng katawan

Kapag ito'y nasira, tiyak tayo rin ang mawawalan

National Heroes Day

"National Heroes Day 2014"

Ang National Heroes Day ay ipinagdiriwang tuwing ikaapat na Lunes ng Agosto. Ang araw ng mga bayani ay ang taunang paggunita at pagkilala sa mga naiambag ng mga kalalakihan at kababaihan na inalay ang kanilang buhay at gawa para sa kalayaan at kaunlaran ng Pilipinas.
Napakahalaga ng National Heroes day dahil sa pamamagitan nito nabibigyang parangal ang mga bayaning tumulong upang makamit ang kalayaan ng bansa. Sila ang dahilan kung bakit tayo naging malayang bansa.

Napakaraming ginagawa upang ipagdiwang ang National Heroes day. Isa na diyo ay ang pagsasagawa ng mga aktibidad sa eskwelahan katulad ng pagtatalakay ng husto sa klase tungkol sa mga bayani. Pagsasagawa ng debate, essay wriying, drawing, story telling at oration. Sa pamamagitan nito mas nabibigyan buhay at parangal ang mga nagawa ng iba't ibang bayani para sa ating bansa. Ang iba't ibang ahensiya ng gobyerno at non-government organization ay nagkakaisa upang dumalo sa isang selebrasyon ng iba't ibang aktibidad. At sa mga seremonya na gagawin isa na dito ay ang pag aalay ng bulaklak sa libingan ng mga bayani para bigyan ito ng parangal.

Ninoy Aquino Day

"Ninoy Aquino Day"

Si Benigno Simeon Ninoy Aquino Jr. O mas kilala bilang Benigno S. Aquino Jr. ay isang pilipinong Senador na naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Siya ay pinatay sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila pagkauwi niya mula sa Estados Unidos, kung saan siya pinadala kasama ang kanyang pamilya upang ipagamot sa Amerika. Sa kanyang pagkamatay naging pangulo ang may bahay niyang ai Corazon Aquino na pumalit kay Marcos. Dalawang milyon mahigit ang sumama sa pruaisyon para ihatid si ninoy Aquino sa huling hantungan.
Ayon sa Republic Act 9256, idineklara na tuwing Agosto 21 ng bawat taon ay Ninoy Aquino Day. Isa itobg special non workig holiday. Ang mga aktibidad sa bansa ay kinabibilangan ng pagaalay ng bulaklak sa bantayog ni ninoy sa panulukan ng Roxas Boulevard at P. Burgos sa Intramuros. At iba't ibang seremonya at programa sa mga komunidad ng Pilipinas.

Isa sa mga nagawa ni Ninoy para sa bansa at para narin sa mga Pilipino, siya ay naging simbolo ng makabagong pakikibaka ng Pilipino. Binuhay niya ang dugo ng bawat tao at ginising ang natutulog na diwa ng mga Pilipino sa kalagayang di wasto. Kahit na sya'y ipinatapon sa ibang bansa ipinagpatuloy niya ito. Ang kanyang kamatayan ay naging hugutan ng lakas at karapatan ng lakas at karapatan ng bawat isa. 

Amaya



Eid'l Fitr

"Eid'l Fitr"

Ang eid'l fitr ay isang kapistahang Muslim na palatandaan ng katapusan ng Ramadan. Ang Ramadan ay isang banal na buwan ng pag aayuno ng mga muslim. Ang Eid'l Fitr ay kadalasang pinapaiksing Eid na may ibig sabihing "masayang kapistahan" habang nangangahulugang "putulin o wakasan ang ayuno" kaya't sumasagisag ang pagdiriwang na Eid'l Fitr bilang pagtatapos ng panahon ng pag aayuno.
Pinagdiriwang ito pagkatapos o pagkalipas ng katapusan ng buwan ng Ramadan. Sa unang araw ng shawwal. Mga tatlong araw tumatagal ang selebrasyon nito. Inatasan ng kuran ang mga Muslim na buuin o kumpletuhin ang kanilang pag aayuno sa huling araw ng Ramadan at bigkasin ang Takbir pagkaraan sa buong panahon ng Eid. 

INC

"Iglesia ni Cristo"


Ang iglesia ni cristo ay isang relihiyong kristiyano na nagmula sa pilipinas noong 1914. Si Felix Manalo ang naging founder nito at nanguna. At naging unang tagapamahalang pangkalahatan nito. Noong siya ay pumanawnoong 1963, ang Iglesia ni cristo ay isa nang pambansang aimbahan na mayroong 1250 kongregasyon, at 35 malalaking konkretong katedral. Ang sumusunod na tagapanguna ng simbahan at naguna sa kilusang pagpapalaganap sa buong mundo ay ang anak nitong si Erano Manalo hanggang sa pumanaw ito noong 31 ng Agosto 2009. Ang humalili naman sa kanya ay ang anak niyang si Eduardo Manalo. At noong 2000, ang senso ng pilipinas mula sa National Statistics Office ay nakapagtala ng 2.3 bahagdan ng populasyon na nagpapakilalang kaanib sa iglesia ni cristo. Pangatlo ito sa sinasabing may pinakamalaking samahang panrelihiyon. 

Apolinario Mabini

"Apolinario Mabini"

Sino nga na si Apolinario Mabini? Ano ano nga ba ang naiambag niya bilang bayani ng ating bansa?
Si Apolinario Mabini ay kilala bilanh Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon. Noong bata pa lamang sya ay nagpakita na sya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag aaral. Nakatanggao din sya ng partial na scholarship at nag aral din sya ng abogasya.

Sia ang bumuhhay sa la liga filipina na nagbibigay suporta sa kilusang pang reporma. Siya ang naging chief adviser ni Heneral Emilio Aguinaldo. Isa sa mga dokumentonh nagawa jiya na isa sa pinaka importante ay ang programa constitutional de la republica filipina, isanh konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa republika ng pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstituayong ito ay ang El Verdadero Decalogo na isinulat upang gisingon ang makabayang diwa ng mga pilipino. Tinulungan niya din si Emilio Jacinto sa pag iaip ng gagawin sa pakikipag laban. Tumulong sya upang magiaing ang natutulog na diwa ng mga Pilipino at maipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas. 

Tagaytay Day

"Tagaytay Day"

Ano nga ba ang meron sa Hunyo 21? Bakit ipinagdiriwang ng mga tiga Tagaytay? Alam ba talaga natin ang dahilan kung bakit Hunyo 21 ang Araw ng tagaytay?
Noong Hunyo 21, 1938 ay naging ganap na syudad ang tagaytay. Pumirma si Manuel Quezon sa Cpmmonwealth at idineklata na isa nang ganap na syudad ang Tagaytay. Sa tulong din ng congressman na si Justinian s. Montano ay inaprubahan ang commonwealtj act. No. 338.

Sa araw na ito ay idineklara na isang non working holiday. Walang pasok ang mga estudyante pati na rin ang mga may trabaho. At sa araw na ito, alalahanin natin na ang araw na ito ay ang araw na nagbigay ng buhay sa Tagaytay. Bigyan natin ito ng importansya at halaga. 

Maligayang Kaarawan Dr. Jose Rizal

"Maligayang Kaarawan"

Maligayang Kaarawan Dr. Jose Rizal! Maraming salamat sa lahat ng bagay at katapangan na ibinigay mo para sa bansang Pilipinas. Isa kangmagiting na bayani  at dakilang Pilipino. Lubos akong bumabati ng maligayang kaarawan sa iyo.


Timeline

 

Timeline:


*ika-17 at ika-18 siglo=Nagmula ang sistematikong kaisipan sa merkantilista
*1723-1790= Haba ng buhay ni Adam Smith "Ama ng disiplina ng ekonomiks"
*1766-1834= Thomas Malthus, may ideya na mapagiiwanan ng paglaki ng populayon ang laki ng produksyon
*1772-1823= Nag ambag si David Ricardo ng pag gamit ng modelo na binubuo ng magkakaugnay na mga konsepto at argumento
*1776= Nailimbag ang aklat ni Adam smith na "Wealth of Nations"
*1803= Inilabas ang pangalawang edisyon ng sanaysay ng Principles of Population As it Affects the Future Improvement of Society
*1818-1883= Naisulat ang Das Kapital ni Karl Marx kung saaan ay masusi niyang pinag aralan at inilahad ang sistema ng kapitalismo
*Dekada'90= Nagsibagsak at natalo ang mga ekonomiyang sosyolohista(rebolusyon ni karl marx)
*1930= Umunlad ang ekonomiks sa panahon ng great depression
*1936= Nailathala ang aklat na General Theory of Employment, Interest and Money. Tumatalakay ito sa pambansang kita, hanapbuhay, general price-levels at fiscal policy

Ang pagsunod sa yapak ng mga Pilipino tungo sa malawak at permanenteng pagbabago

"Ang pagsunod sa yapak ng mga Pilipino tungo sa malawak at permanenteng pagbabago"

Ginanap ang araw ng kalayaan kahapon, Hunyo 12,2014 sa Naga,Camarines Sur. Itinaas ang watawat ng Pilipinas kahapon sa pangunguna ni Pangulong Noniy Aquino . Dito ay inalala niya ang 15 sundalo na pinatay. Tinalakay niya ang kahalagahan ngAraw ng kalayaan. At binigyan niya ng pagpapahalaga ang mga tao at bansang nagbigay kontribusyon sa kasarinlan ng bansa.
Ang araw ng Kalayaan ay naideklara noong Hunyo 12, 1898. Ito ay idineklara ng mga Pilipino. Dahil ang unang deklarasyon ay noong Hulyo 4, sa pamamagitan ng mga Amerikano. Napakahalaga nito dahil sumiaimbolo ang araw na ito sa kalayaan ng mga Pilipino sa mga Espanyol. Ito ang araw na nakamit talaga natin ang kalayaan.

Bilang isang mamamayang Pilipino, aalalahanin ko ang araw na ito tanda ng pagpapahalaga at pagmamahal sa sarili kong bansa. Patuloy kong ipaglalaban ang karapatan at kalayaan ng ating bansa para sa ating ikagiginhawa. Ipagdiriwang at patuloy na iwagayway ang watawat, simbolo ng pagiging malaya.