Miyerkules, Marso 11, 2015

Ninoy Aquino Day

"Ninoy Aquino Day"

Si Benigno Simeon Ninoy Aquino Jr. O mas kilala bilang Benigno S. Aquino Jr. ay isang pilipinong Senador na naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Siya ay pinatay sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila pagkauwi niya mula sa Estados Unidos, kung saan siya pinadala kasama ang kanyang pamilya upang ipagamot sa Amerika. Sa kanyang pagkamatay naging pangulo ang may bahay niyang ai Corazon Aquino na pumalit kay Marcos. Dalawang milyon mahigit ang sumama sa pruaisyon para ihatid si ninoy Aquino sa huling hantungan.
Ayon sa Republic Act 9256, idineklara na tuwing Agosto 21 ng bawat taon ay Ninoy Aquino Day. Isa itobg special non workig holiday. Ang mga aktibidad sa bansa ay kinabibilangan ng pagaalay ng bulaklak sa bantayog ni ninoy sa panulukan ng Roxas Boulevard at P. Burgos sa Intramuros. At iba't ibang seremonya at programa sa mga komunidad ng Pilipinas.

Isa sa mga nagawa ni Ninoy para sa bansa at para narin sa mga Pilipino, siya ay naging simbolo ng makabagong pakikibaka ng Pilipino. Binuhay niya ang dugo ng bawat tao at ginising ang natutulog na diwa ng mga Pilipino sa kalagayang di wasto. Kahit na sya'y ipinatapon sa ibang bansa ipinagpatuloy niya ito. Ang kanyang kamatayan ay naging hugutan ng lakas at karapatan ng lakas at karapatan ng bawat isa. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento