Miyerkules, Marso 11, 2015

Eid'l Adha

"Eid'l adha"

Ang eid'l Adha at eid'l fitr ang dalawang pangunahing pista o eid sa islam. Ang una ay ang pagdiriwang sa pagtatapos ng buwan ng Ramadan, habang isang paggunita naman sa katapatan,pananampalataya at pagsunod ni Ibrahim sa utos ng Diyos na iaalay ang kanyang anak na si ismail. Bahagi ang dalawang pistang ito sa limang haligi ng islam partikular ang Sawm o fasting at Hajj o pilgrimage. Hudyat din ng Eid'l Adha ang pagsisimula ng hajj o paglalakbay sa banal na siyudad ng Mecca sa Saudi Arabia. Nangyayari ang Eid'l adha bandang 70 mga araw pagkalipas ng katapusan ng buwan ng Ramadan.

Isinasagawa ang pagdarasal para sa Eid sa mga malalaking pagtitipon, kadalasa'y sa isang malawak na lugar o sa isang mosque para sa may mga kaya nagkakatay sila ng mga pinakamagagandang kambing p baka bilang pag aalay, sang ayon sa kanilang patakaran. Ipinamamahagi naman ang karne para sa lahat ng kasalo sa pagdiriwang. Dito sa ating bansang pilipinas masasaksihan lamang ang mga ganitong selebrasyon sa iilang partikular na Muslim na komunidad. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento